alas tres na naman ng madaling araw
nakatitig lang sa kisame.
ang lalim sobrang lalim
ang lalim, sobrang dilim
hinahanap ang kislap ng tala
maging ang yakap ng mga salita
na baka sakali ako’y matagpuan.
at sa wakas ay mapakinggan.
baka sakaling maiwaksi ang kaliskis
na bumabalot sa nabulag nilang mga mata
para Makita na ang kinabukasan ay hindi nakadepende sa kung anong magkakaroon ka,
nang matigilan ang pagtingala sa kikitaing pera.
Napatingin, sa tarpaulin
nakasulat ang pangarap na nais abutin
hanggang sa nabasa, napuno na nang luha
nang mapagtantong, ang pangarap ay naglaho ng parang bula,
at ang pag-asa’y nalimutang ipaglaban ng taas noong tumitingala.
Patawad. Munti kong tala
hindi makakamtan
Hindi tayo magsasama
Patawad, munti kong tala.
Makikinig sa bulong nila.